Homme Kirill (D.O.C.), w/ make-up and dress + S-41 shoes
Canon XSi
SE W960i
Ferrari 599 GTB
Lamborghini Murcielago LP640
Pagani Zonda F CS
Mercedes-Benz McLaren SLR
Koenigsegg CCX
- these cars are so beautiful they make me cry T.T
- but I can only afford these CLICK ME
TO DO LIST
watch pending anime DVDs
read pending manga scanlations
dl recommended manga
make-up duties
obtain make-up slips
get a medical certificate
My Recently Watched Anime
Some of my Artworkds
+
Rants and Raves
Devil 188: 2:40 A.M.
OHAYO!!! Ang agang post. LOL. Syet, may ulcer na ata ako ah. Madalas sumakit abdomen ko. Or dahil lang ba sa gutom. Observe ko muna. Lapit na revalida namin. Di pa ko nakakapagreview. Kasi di ko rin lam kung ano ba scope ng 1st exam.
Lumipas ang ilang araw, di pa rin ako tapos sa make-ups ko. Procrastination. It's one of my "diseases".
May bagyo ba? Hirap ng walang tv at hindi mahilig magbasa ng diyaryo. Walang alam sa balita sa mundo. Araw-araw na ang pag-ulan ng malakas. Baha sa tapat ng school. Buti na lang di ako nagbiya-biyahe ngayon kung hindi uber traffic malamang.
Bawas na interes ko sa Facebook, lalo na I mostly go there for the games. My attention is diverted once again. This time by another game, called Osu! Di ako sumisigaw. Talagang may ! yung name niya. Osu! is a rhythm game. For more info go here.
Here's sample video, uploaded by rtsmarty in YT.
*di ko pa kaya yan. haha*
It's fun at madaming anime songs na ginamit dito. Low level pa lang ako since 1 day pa lang akong naglalaro. It's addicting. At first, super lag siya nung nilaro ko kaya banas na banas ako. As in ni hindi ko man lang minsan ma-start ang game sa sobrang lag nung cursor at delay ng reaction niya. Kaka-kalikot ng mga specs, napadpad ako sa device manager ng laptop ko. At dun ko lang napansin na nawawala ang graphics drivers ko. HOMAYGAWDPAKSYET. Dati naman meron. Recently kasi I reformatted my laptop again kasi nagka-critical error.
So ayun, nakita ko si yellow question mark dun sa dapat e graphics driver ang nakalagay. Kaya kinuha ko yung "Application and Drivers Recovery" DVD na kasama sa package nung binili ko si "Uruha" (name ng laptop ko). E ang lolo mo, dahil siguro sa ilang beses na ring nagamit at almost 5 years na rin siya, ayaw ng mabasa ng DVD player ko. So I researched sa net. Kung saan-saang site ako napadpad kakahanap ng solution. Yung mga una kong dinownload na mga drivers ayaw naman gumana. So I tried sa Help & Support ng HP. Nak ng teteng. Nung dinetect ang laptop ko, iba naman palang model ang compatibility ko. Instead na Presario M2000, e Presario M2+++ (i forgot the numbers). Kaya naman pala yung mga dinownload kong drivers for M2000 ayaw gumana. So ayun, I downloaded a new batch, installed it at presto, ayos na si graphics drivers. Buti naman at di ko kinelangang pumunta sa mall para magpa-ayos. Nabuburyong na kasi ako kaka-isip kung anong pwedeng gawin. At finally gumana na si Osu!, hindi na lag. At eto, DOUBLEHOMAYGAWDPAKSYET, adik nanaman ang Chi sa new game. XD
It's 3:12 A.M, katatapos ko lang basahin ang Kapitan Sino. Latest book ng idol kong si Bob Ong. At ang masasabi ko, the best ka talaga idol. Naka-relate ako ng todo sa kwento mo. Hindi lang dahil sa nasariwa ang aking alaala sa mga nauso noong bata pa ako kundi sa uri ng mga taong nakapaloob sa iyong libro.
I'm my 28 years of life, sandamakmak ang nakilala at nakasalamuha kong mga tulad ng mga mamamayan ng Pelaez. Tsismoso. Tsismosa. Back-stabbers. Mga walang utang na loob. Makikitid ang pag-iisip. Makasarili. Mga taong matapos mong tulungan ng madaming beses ay ikaw pa rin ang palalabasing makasalanan. Mga traydor. Tumira na ako sa isang lugar na halos lahat ng nakapaligid sa amin ay ganyan ang pagkatao. At dahil halos lahat sila ay iisa lamang ang liko ng bituka at kami lang ang naiiba, hindi natapos ang paggawa nila ng paraan para sirain kami.
Ginawa nilang past-time ang pag-imbento ng kung ano-anong nakapaninirang kwento laban sa amin. Lahat ay walang katotohanan, subalit dahil mabilis mapaniwala ang ibang mga tao, sinakyan naman nila ang mga tsismis. Ang mga iba naman ay sumakay na rin para lang sumunod sa uso, ng hindi man lang ginamit ang isip para husgahan kung ano ang totoo sa gawa-gawa lang. Samantalang kung tutuusin, ang mga nagsimula ng lahat ng paninirang ito ay ang tunay na mga nagkasala. Gumaganti sila dahil nahuli sila sa kanilang mga masasamang gawain. Imbes na magbago, mas pinili nila na sirain ang tao o mga taong nais tumuwid sa kanila. At kabilang kami doon.
Kung ikaw ay nakagawa ng (mga) kasalanan at may nakahuli sa iyo, dapat iyan ay maging senyales na upang ikaw ay magbagong buhay. At hindi lalong gumawa ng kasamaan para lugmukin ang taong nais baguhin ka. Hindi mo madadala sa kamatayan ang mga nakurakot mong pera, o ang kapangyarihan, o ang kung ano pa man. Lahat yan ay makamundong bagay, at lahat yan ay iiwanan mo sa mundo sa iyong pagpanaw. Ikaw ay pinanganak na hubad, at sa iyong pagpanaw ay para ka ring mahuhubaran. Subalit lahat ng ginawa mo habang nabubuhay ka pa, mabuti man o masama ay magiging batayan sa panahon ng huling paghuhusga. Iba na lang kung hindi ka naniniwala o walang pakialam sa langit at impiyerno, o kung may Diyos o demonyo.
Ilang beses ko ng naranasan ang pagtraydor ng mga malalapit na kaibigan. Ang mga tinuring mong parang mga kapatid, pinagpalit ang lahat ng pinagsamahan ninyo, ang lahat ng kabutihang pinakita mo sa kanila, para sa lang sa pera. Ano ba ang mas mahirap maangkin dito sa mundo? Pera? O ang totoong kaibigan?
Meron namang iba sa kanila na natauhan na at ng nagbagong buhay. Sa pagdaan ng pahanon, napagtanto nila na sila ay nagkamali at nagsisi na. Ayos lang sa amin yun. Marunong naman kaming magpatawad. Ang iba sa kanila ay bumabawi na sa lahat ng pagkakamaling ginawa nila sa amin. Subalit mas marami sa kanila ang hanggang ngayo'y hindi pa rin naimumulat ang mga mata sa katotohanan. Patuloy pa rin sila sa pag-atake sa amin at ayaw kaming patahimikin. Kahit na wala naman kaming ginagawa sa kanila.
Maraming uri ng tao. At hindi lahat ay magugustuhan mo. Yan ang katotohanan. Yan ang buhay. Nasa iyo yan kung magpapa-apekto ka sa kabulukan, o ang hayaan na lang sila at magpatuloy ka sa iyong sariling buhay. May mga panahon na hindi mo sila pwedeng ipag-kibit-balikat na lamang, lalo na kung nakakasakit sila...lalo na kung ang nasasaktan ay mga mahal mo sa buhay. Maiisip mong gumanti at ng matigil na ang lahat, pero kapag ginawa mo yun, hindi ka na rin naiba sa kanila. Huwag mong ibaba ang sarili mo para lamang sa mga taong walang kwenta.
Ang mahalaga ay ang iyong pagkatao, ang iyong kaluluwa. Hindi karangyaan. Ang mahalaga ay ang hanapin mo kung sino ang mga totoong kaibigan. Hindi ang magpakalunod sa mga bagay na ikasisira mo. Habang nandyan ang lahat ng taong sumusuporta sa iyo, makakayan mong labanan ang lahat, kahit na magtulong-tulong pa sila sa pagsira sayo. Protektahan mo ang mga taong mahal mo.
Hanapin mo rin ang iyong sarili, pagtibayin ang loob at ng makayanan mo ang lahat kahit na ikaw ay nag-iisa. Gawin mo ang lahat upang mapaganda ang buhay mo at ng mga mahal mo sa buhay. Gawin mo ang lahat upang maging mabuting tao. Upang matawag na "tao" Huwag mong hayaang matawag kang isang halimaw. Huwag mong hayaang mawala ang iyong puso. Dahil mas mahalaga kung ano ka, at hindi kung ano ang tingin sa iyo ng iba.
Oo alam ko, madaling sabihin, pero mahirap gawin. Maraming beses kang madadapa. Maraming beses na matutukso. Maraming beses na maiisipang sumuko. Sa kahulihan, nasa sa iyo pa rin ang desisyon kung nais mong bumangon. Kung nais mong tahakin ang tamang landas o ang hayaang balutin ka ng dilim para lang sa panandaliang kasayahan.
"Kung lahat lang ng tao may kapangyarihan, eh di sana lahat tayo bayani. Kung lahat ng tao may konsensya, hindi kailangan ng bayani. Paano yung mga nadidisgrasya? Hindi hawak ng tao ang buhay pero hawak ng tao ang kapangyarihan para hindi pahirapan ang ibang tao. " - Kapitan Sino
Devil 185: My Chinese/Taiwanese Dramas/Live Actions/Movies Watch List
Journey to the West [O/S] KO One [O/S]
A Chinese Ghost Story [C/M] A Chinese Ghost Story [C/S] A Chinese Tall Story [C/M] A Dragon Story [C/M] City Hunter [C/M] Crime Story [C/M] Crouching Tiger, Hidden Dragon [C/M] Drunken Master [C/M] Enter the Dragon [C/M] Fist of Fury [C/M] Future Cops [C/M] Game of Death [C/M] God of Gamblers [C/M] God of Gamblers II [C/M] God of Gamblers Returns [C/M] Green Hornet [C/M] Happy Together [C/M] Initial D [C/M] It Started with a Kiss [C/S] Meteor Garden [C/S] Meteor Garden II [C/S] Mr. Nice Guy [C/M] Naked Weapon [C/M] New Police Story [C/M] Once Upon a Time in China [C/M] Once Upon a Time in China II [C/M] Once Upon a Time in China III [C/M] Once Upon a Time in China IV [C/M] One Armed Boxer [C/M] Shaolin Soccer [C/M] Silver Hawk [C/M] So Close [C/M] Supercop [C/M] The Accidental Spy [C/M] The Chinese Connection [C/M] The Eye [C/M] The Legend of Drunken Master [C/M] The Princess Blade [C/M] The Shaolin Temple [C/M] Wheels on Meals [C/M]
Devil 184: My Korean Dramas/Live Actions/Movies Watch List
Bad Family [O/S] Coffee Prince [O/S]
100 Days with Mr. Arrogant [C/M] 200 Pounds Beauty [C/M] A Millionaire's First Love [C/M] Antique [C/M] Crazy First Love [C/M] Fireworks [C/S] Il Mare [C/M] King and the Clown [C/M] Lovers in Paris [C/S] My Girl [C/S] My Sassy Girl [C/M] My Tutor Friend [C/M] My Wife is a Gangster 3 [C/M] Oh! Pil Seung & Boon Soon Young [C/S] Prince Hours [C/S] Princess Hours [C/S] Princess LuLu [C/S] Save the Last Dance For Me [C/S] Seducing Mr. Perfect [C/M] Stained Glass [C/S] Sweet Spy [C/S] The Wig [C/M] Windstruck [C/M]
Devil 183: My Japanese Dramas/Live Actions/Movies Watch List
Bambino! [O/S] BOSS [O/S] Detective School Q Live Action [O/S] Hanayome to Papa [O/S] Ikebukuro West Gate Park [O/S] Zettai Kareshi [O/S]
Absolute Boyfriend (Zettai Kareshi) [C/S] Absolute Boyfriend (Zettai Kareshi) Special [C/M] Atashinchi no Danshi [C/S] Attention Please [C/S] Cromartie High School Live Action [C/M] Crows Zero [C/M] Crows Zero 2 [C/M] Death Note [C/M] Death Note 2: The Last Name [C/M] Death Note: L Change the World [C/M] Densha Otoko [C/M] Detective Conan: Kudo Shinichi's Written Challenge [C/M] Devilman Live Action [C/M] Drift GTR [C/M] Godhand Teru [C/S] Gokusen [C/S] Gokusen 2 [C/S] Great Teacher Onizuka [C/S] Great Teacher Onizuka Special [C/M] Hana Yori Dango [C/S] Hana Yori Dango 2 [C/S] Hana Yori Dango Final [C/M] Hanazakari no kimitachi e, Ikemen Paradise [C/S] Ju-On I [C/M] Ju-On II [C/M] Kagen no Tsuki ~Last Quarter~ [C/M] Kimi wa Petto [C/S] Kurosagi [C/S] Kurosagi the Movie [C/M] Linda Linda Linda [C/M] Lovely Complex [C/M] Mei chan no Shitsuji [C/S] Moon Child [C/M] My Boss, My Hero [C/S] Nobuta wo Produce [C/S] Nodame Cantabile [C/S] Nodame Cantabile SP [C/M] Returner [C/M] Ringu [C/M] Ringu 0: Birthday [C/M] Ringu 2 [C/M] Seito Shokun [C/S] Tada, Kimi wo Aishiteru [C/M] The Prince of Tennis Live Action [C/M] Tokyo Tower [C/M]